Aries

Ang Aries o Tupa ang pangunahing Signo ng sodyak, at ang planetang namumuno sa kanya ay ang planetang Mars, ang planeta ng aksiyon. Ang mga taong ipinanganak sa

Aries
Aries at the Wisconsin State Capitol.

Ang Aries o Tupa ang pangunahing Signo ng sodyak, at ang planetang namumuno sa kanya ay ang planetang Mars, ang planeta ng aksiyon. Ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng signo ng Aries ay gustong parating sila ang nangunguna, kesehodang matapakan o masaktan nila ang iba. Kung merong mga ipinanganak na pinuno, siguradong ang mga Aries ito. Gusto nilang magsimula ng mga bagay-bagay na ipapatapos nila sa iba. Ayaw nilang tapusin ang isang bagay na sinimulan dahil madali silang magsawa at gusto na naman nila ng bago. Matapang, walang-takot at walang pasubali ang mga Aries kaya natural na parati silang lider. Malaki ang tiwala ng mga Aries sa sarili nila, kung matututunan sana lamang nila na mahalin at respetuhin ang iba, walang hanggang ang kanilang mga maaabot. Ayaw tumanggap ng pagkatalo o kabiguan ng mga Aries. Lalaban sila ng lalaban hanggang sa magtagumpay sila o mamamatay na lang hanggat maabot nila ang kanilang mga inaasam-asam.

Ang mga negatibong katangian ng Aries ay maramot, palaaway, walang pakundangang pagkilos o kilos na di pinag-iisipan, mainipin, madaling mayamot, agresibo, pabigla-bigla, madaling magsawa sa isang bagay, simula ng simula na di tinatapos ang mga gawain.[1]

  • Namumunong Buntala: Mars
  • Pinamumunuan: Namumuno sa Unang Bahay ng Horoscope
  • Kalidad: Cardinal
  • Elemento: Apoy
  • Pagsasalarawan: Aksiyon, biglang pagkilos
  • Katanyagan: Matapang
  • Depekto: Arogante

Kung ang Aries ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay, o kung anumang buntala ang nasa signo ng Aries, ang suliranin ng Bahay na iyon o ng buntala na yun ay naiimpluwensiyahan ng mga kaganapang biglaan, aksiyon, enerhiya o kaya ay kaguluhan o pag-aaway.

Galeriya

Mga sanggunian

  1. Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B.Jain Publishers, New Delhi, 286 pages, ISBN 81-7021-1180-1

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.