Apendisitis

Ang apendisitis (Tinagalog: apendisaytis) ay ang sakit na kinatatangian ng pamamaga dahil sa pagsakop ng mikrobyo sa appendix (Tinagalog: apendiks), na isang ba

Apendisitis
Apendisitis
Isang apendiks na malubha ang pamamaga at paglaki, na hiniwa nang pahaba.
EspesyalidadGeneral surgery Edit this on Wikidata

Ang apendisitis (Tinagalog: apendisaytis) ay ang sakit na kinatatangian ng pamamaga dahil sa pagsakop ng mikrobyo sa appendix (Tinagalog: apendiks), na isang bahagi ng malaking bituka ng tao. Dahil sa pamamaga at pagsakop, karaniwang kailangang sumailalim sa isang siruhiyang tinatawag na apendektomiya ang isang tao, kung saan tinatanggal ang apendiks. Bagaman may katungkulan ang apendiks na kaugnay ng sistemang imyuno, maaring alisin ang nasakop na apendiks sapagkat magagawa ng sistemang imyuno ang tungkulin ng apendiks kahit natanggal na ito mula sa katawan ng tao.[1]

Dahilan ng apendisitis

Sa kasalukuyan, walang katiyakan kung ano ang sanhi ng apendisitis. Ngunit may katiyakan na ito ay hindi isang namamanang kalagayan, walang kaugnayan sa salinlahi, at hindi ito nakakahawa.[1]

Mga sintomas ng apendisitis

Kabilang sa mga sintomas ng apendisitis ang pananakit ng tiyan mula sa gitna, na nasa may itaas na bahagi ng puson. Ang hapding ito ay gumagapang patungon sa kanang bahagi ng tiyan at pati na sa pang-ibabang bahagi ng tiyan, partikular na sa may kanan ng puson). Ito ang karaniwang paglalarawan ng pananakit na ito dahil sa pamamaga ng apendiks, subalit maaring maging ibang bahagi ng tiyan ang madamay ng sakit. Bukod sa pananakit ng tiyan, ang taong may-apendisaytis ay maari ring makadama ng kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, pagkaliyo, pagtitibi[a], panghihina, at pagkakalos.[1]

Katangian ng hapdi

Ang pananakit, na karaniwang inilalarawan ng apektadong tao bilang napakasakit, napakahapdi, o napakakirot. Ang pananakit ay karaniwang lumalampas nang mahigit sa 24 na mga oras, at hindi naiibsan o hindi natatanggal kahit uminom ng gamot na pantanggal ng pananakit.[1]

Pagtiyak sa apendisitis

Ang manggagamot ang makakatiyak ng pagkakaroon ng apendisitis ng isang maysakit. Magsasagawa ang duktor ng pagsusuri sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa maysakit, pagtingin ng tiyan, magpasagawa ng mga eksaminasiyong panglaboratoriyo (kabilang ang kumpletong pagbilang ng dugo o complete blood count, dinadaglat bilang CBC, at pagsusuri ng ihi o urinalysis).[1]

Lunas

Ang apendisaytis ay malulunasan sa pamamagitan ng siruhiya, kung saan tinatanggal ang apendiks na nasakop. Isinasagawa ito upang huwag kumalat sa ibang mga bahagi ng bituka ang sakop ng mikrobyo. Ang siruhiya ang makapipigil sa pagkasira ng bituka at makaiiwas sa sakaling pagkamatay ng taong nagkaapendisaytis.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 APPENDICITIS Naka-arkibo 2012-06-01 sa Wayback Machine. ([1] Naka-arkibo 2013-11-29 sa Wayback Machine.,KALUSUGAN PH


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.