Ang Antenna ( Hangul : 안테나) ay isang ahensya ng musika at libangan sa Timog Korea na itinatag ni You Hee-yeol ng proyektong banda na Toy noong 1997. Dating isang independiyenteng label, ganap itong isinama bilang isang subsidiary ng Kakao Entertainment noong Agosto 2021. Ang Antenna ay kilala sa salawikain nitong: "Mabubuting tao, magandang musika, magandang tawa".
Kasaysayan
1997-2011: Pagkabuo at unang henerasyon ng mga artista
Itinatag ng musikero ng Timog Korea na si You Hee-yeol, na kilala bilang Toy, ang indie record label na "Toy Music" noong 1997. Sa mga unang taon, ang label ay gumawa at naglathala ng ilang mga album para sa mga artista kabilang sina Lucid Fall, Kim Yeon-woo at mismong si You Hee-yeol bilang Toy .
Noong 2007, binago ang pangalan ng label mula sa "Toy Music" sa "Antenna Music". Nangangahulugan ito ng pagpapakilala ng musika na tapat sa esensya ng musika at pagpapalaganap ng magagandang tunog sa lahat kahit na ito ay isang maliit na tunog. [1][2] Sa parehong taon, ang Antenna Music ay nag-debut ng Timog Korean rock band na Dear Cloud. [3][4]
Noong 2008, ang modernong electronik na bandang Peppertones ay pumirma sa ilalim ng Antenna Music. Noong Setyembre, pumirma sa Antenna Music ang pianista at musikero ng pelikula na si Jung Jae-hyung [5] pagkatapos makumpleto ang kanyang antas mula sa École Normale de Musique de Paris . [6] Ang singer-songwriter na si Park Sae-byul ay nag-debut sa parehong taon sa ilalim ng ahensya. [7][8]
Noong Abril 2010, ang unang konsiyerto ng label na tinatawag na "The Great Disappointment Show" ay ginanap bilang isang gimik upang patunayan kung sino ang pinakamahusay na vocal artist ng ahensya. [9]
Noong 2011, sa tagumpay ng unang label na konsiyerto, ang pangalawang label na konsiyerto ay ginanap na tinatawag na "Antenna Music Warriors: Yes, we are together" na may kasunod pang konsiyerto na tinatawag na "Encore Antenna Music Warriors Concert: Always, We Are Together" . [10][11][12]
2013-2020: Ikalawang henerasyon ng mga artista at producer
Mula 2013 hanggang 2017, nagsilbi si You Hee-yeol bilang hurado sa ika 3 hanggang ika 6 na serye ng competiyon sa telibisyon na K-pop Star . Sa panahong ito, sina Sam Kim, Kwon Jin-ah, Jung Seung-hwan, Lee Jin-ah at Lee Soo-jung ay pumirma sa label pagkatapos matagumpay na mag-audition para sa programa at nakaabot sa nangungunang tatlo na pwesto ng kani-kanilang serye. [13][14][15]
Noong 2015, ang pangalang "Antenna Music" ay pinalitan ng "Antenna". [16]
Noong Abril 10, 2016, nag-debut si Sam Kim sa kanyang EP na tinatawag na "My Name is Sam". [17] Pagkatapos ay ginawa ni Lee Jin-ah ang kanyang debut sa ilalim ng label sa kantang "I'm Full" noong Hunyo 10. [18] Ginawa rin ni Kwon Jin-ah ang kanyang debut sa studio album na tinatawag na "One Strange Night" noong Setyembre 19. [19] Noong Setyembre 23–25, ginanap ang ikatlong label na konsiyerto na tinatawag na "Hello Antenna:The Label Concert". Ito ay magkasanib na konsiyerto sa pagitan ng "Antenna Warriors" (Nakakatandang mga artista: You Hee-yeol, Jung Jae-hyung, Lucid Fall, Peppertones and Park Sae-byul ) at "Antenna Angels" (Nakababatang mga artista: Sam Kim, Kwon Jin- ah, Jung Seung-hwan, Lee Jin-ah ) maliban kay Lee Soo-jung na nasa US noon para tutukan ang pagtatapos ng kanyang pag-aaral. [10][20][21][22] Noong Nobyembre 19, nag-debut si Jung Seung-hwan sa EP na "Voice". [23]
Noong Marso 2017, ang "Antenna Angels", ay nagkaroon ng kanilang unang pinagsamang konsiyerto na pinangalanang "We, Begin". [24] Ang Antenna ay nagkaroon ng isa pang label na konsyerto na pinangalanang "With, Antenna" kung saan ang lahat ng mga label artist ay nagtanghal sa unang pagkakataon at naglibot sa 5 lungsod ng Timog Korea at US sa Seoul, Busan, Daegu, LA, at New York [25]
Noong Marso 18, 2019, inihayag ng Antenna na pinirmahan nila ang jazz pianist at producer na si Yun Seok-cheol . [26] Noong Hunyo 19, inilabas ni Lee Soo-jung (Chai) ang kanyang unang kanta sa ilalim ng label at tinawag na, "Give and Take". [27]
Noong 2020, sa mga paghihirap na dulot ng pandaigdigang pandemyang Covid-19, ang label ay nagkaroon ng mga online na content at live stream sa ilalim ng tag na "Everything is OK" with Antenna. Isang re-release na kanta ng Peppertones na pinangalanang "Everything Is OK" (with Antenna Ver.) ang naging theme song nito kung saan lumahok ang mga artist ng Antenna. [10] Ang lahat ng nalikom ay ginamit para sa layunin na pagtagumpayan ang Covid-19. [28] Noong Setyembre 1, pinirmahan ng Antenna ang singer-songwriter at gitarista na si Jukjae. [29] Sinundan siya ng kompositor at producer na si Seo Dong-hwan na sumali noong Nobyembre 30. [30] Noong Disyembre 20, ipinalabas ang unang Christmas carol ng Antenna na pinangalanang "Our Christmas Wish For You" kabilang ang lahat ng kanilang mga artista noong panahong iyon. [10]
2021-Kasalukuyan: Pakikipagugnayan sa Kakao Entertainment, pagpapalawak sa larangan ng entertainment at mga bagong artista
Noong Marso 2021, nakakuha ang Antenna ang isang bagong gusali pang-opisina na matatagpuan sa Nonhyeon-dong, Gangnam-gu, Seoul . Ito ang kanilang unang pribadong pag-aari na gusali pagkatapos ng 14 na taon. [31] Noong Mayo 2021, nakuha ng Kakao Entertainment ang 19% na shares ng Antenna, na nagtatag ng isang stratehiyang pakikipagugnayan sa pagitan ng dalawang kumpanya. [32][33] Noong Hulyo 14, pinirmahan ng Antenna ang personalidad sa telebisyon na si Yoo Jae-suk, ang unang hindi musikero na pinamahalaan ng label. [34] Noong Agosto 17, nakuha ni Kakao ang natitirang shares ng Antenna, at ito'y naging isang ganap na subsidiary neto. [35] Noong Oktubre 1, ang "Dereumyi TV: Udang Tangtang Antenna" (Clumsy Antenna) ng Kakao TV ay ipinalabas bilang isang pangkatuwaang programa na proyekto at may layuning i-promote at ipakita ang kagandahan ng mga artista ng Antenna. [36] Noong Nobyembre 17, pinirmahan ng Antenna ang singer, dancer, entertainer at miyembro ng Lovelyz na si Mijoo . [37] Noong Disyembre 1, inilabas ng Antenna ang kanilang pangalawang Christmas carol na pinangalanang "Hello Antenna, Hello Christmas" na nagtatampok sa lahat ng kanilang mga artista at producer kabilang ang bagong sali na sina Yoo Jae Suk at Mijoo. [38]
Noong Enero 7, 2022, pinirmahan ng Antenna ang producer mula sa Super Band 2 at miyembro ng Lofibaby, Meum at THE FIX na si Hwang Hyeon-jo. [39] Noong Nobyembre 15, nagtatag ang Antenna ng isang independent entertainment studio sa pamamagitan ng Antenna Plus. Bilang panimula, binuksan ang isang Youtube Channel at tinawag na "Ddeun Ddeun" upang lumikha ng iba't ibang content. [40] Noong Nobyembre 21, ang singer-songwriter, DJ at guitarista na si Lee Sang-soon ay pumirma sa kumpanya. [41]
Noong Pebrero 26, 2023, inihayag na pinirmahan ni Antenna ang mang-aawit at personalidad sa telebisyon na si Lee Hyori kasunod ng kanyang asawang si Lee Sang-soon. [42] Noong Hulyo 2023, binili ng CEO na si You Hee-yeol ang 21.37% ng Antenna shares [43] na sinundan ni Yoo Jae-suk na bumili ng 20.7% stake upang ang matira sa Kakao Entertainment ay 57.93% stake. [44] Noong Agosto 6, nag-debut sa Antenna ang singer-songwriter at producer na si Drewboi sa kanyang digital single na "Sunday". [45][46] Noong Agosto 7, inihayag ng Antenna na pumirma ka kanila ang singer, musical theater actor at Super Junior member, si Cho Kyu-hyun . [47][48]
↑"이수정, 'K팝스타5' 심사위원 점수 300점 만점으로 우승…안테나 뮤직 간다" [Lee Soo-jung wins 'K Pop Star 5' with a score of 300... goes to Antenna]. Chosun Biz (sa wikang Koreano). 11 April 2016. Nakuha noong 16 July 2021.
↑No, Jung-dong (12 May 2021). "카카오엔터, 유희열 회사 '안테나' 지분 19% 인수…"콘텐츠 협업"" [Kakao Entertainment acquires a 19% stake in Yoo Hee-yeol's "Antenna" company]. Hankyung (sa wikang Koreano). Nakuha noong 16 July 2021.[patay na link]
↑ 34.034.1Park Joo-ho (July 14, 2021). "유재석, 유희열이 이끄는 안테나와 전속계약··· 非음악인 영입 처음" [Yoo Jae-suk, exclusive contract with Antenna led by Yoo Hee-yeol... First non-musician recruitment]. Naver (sa wikang Koreano). Seoul Economic Daily. Nakuha noong July 14, 2021.
↑Kim Soo-young (November 17, 2021). "유재석 라인 탄 러블리즈 이미주, 안테나와 전속계약 [공식]" [Yoo Jae-seok, Line Tan Lovelyz's Mi-joo, exclusive contract with Antenna [Official]] (sa wikang Koreano). Hankyung. Nakuha noong November 17, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.
↑Hong, Hye-min (February 16, 2023). "이효리, 결국 이상순·유재석과 안테나 품으로" [Lee Hyo-ri, eventually with Lee Sang-soon and Yoo Jae-seok as an antenna] (sa wikang Koreano). Hankook Ilbo. Nakuha noong February 16, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Naver.
↑Hwang Ji-young (November 30, 2020). "'버클리 휴학생' 서동환, 안테나 전속계약" [Seo Dong Hwan joins Antenna label as producer line]. JoongAng Ilbo (sa wikang Koreano). Daily Sports. Nakuha noong July 14, 2021.
↑Kim Young-woong (January 7, 2022). "'프로듀서 황현조, 안테나 합류" [Producer Hwang Hyeon-jo joins Antenna]. Sports Kyunghyang (sa wikang Koreano). Kyunghyang Shinmun. Nakuha noong July 19, 2022.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.