Ang angkat o import ay ang bansang tumatanggap ng isang luwas mula sa nagpadalang bansa.[3] Ang pag-aangkat at pagluluwas ang mga itinuturing na transak

Ang angkat o import ay ang bansang tumatanggap ng isang luwas mula sa nagpadalang bansa.[3] Ang pag-aangkat at pagluluwas ang mga itinuturing na transaksyong pinansiyal ng kalakalang internasyonal.[4] Bahagi ang angkat ng kalakalang internasyonal na kinabibilangan ng pagbili at pagtanggap ng mga produkto o serbisyong ginawa sa ibang bansa.[5] Tinatawag na tagaluwas o ekspotador ang nagbebenta ng mga naturang kalakal at serbisyo, habang kilala bilang taga-angkat o importador ang dayuhang mamimili.[6]
Sa pandaigdigang kalakalan, nililimitahan ng mga kota sa pag-angkat at mga mandato ng awtoridad sa adwana ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal.[7] Maaaring magpataw ang mga hurisdiksiyong nag-aangkat at nagluluwas ng taripa (buwis) sa mga produkto.[8] Bukod dito, napapailalim ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal sa mga kasunduang pangkalakalan ng mga hurisdiksiyong nag-aangkat at nagluluwas.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.