Ang Andria (bigkas sa Italyano: [ˈAndrja]) ay isang lungsod at komuna sa Apulia (katimugang Italya). Ito ay isang sentrong pang-agrikultura at serbisyo, n
Andria | |
|---|---|
| Città di Andria | |
| Mga koordinado: 41°13′N 16°18′E / 41.217°N 16.300°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Apulia |
| Lalawigan | Barletta-Andria-Trani (BT) |
| Mga frazione | Castel del Monte, Montegrosso, Troianelli |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Giovanna Bruno (PD) |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 402.89 km2 (155.56 milya kuwadrado) |
| Taas | 151 m (495 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 99,857 |
| • Kapal | 250/km2 (640/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Andriesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 76123 |
| Kodigo sa pagpihit | 0883 |
| Santong Patron | Ricardo ng Andria |
| Saint day | April 4 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Andria (bigkas sa Italyano: [ˈAndrja]) ay isang lungsod at komuna sa Apulia (katimugang Italya). Ito ay isang sentrong pang-agrikultura at serbisyo, na gumagawa ng alak, olibo, at mga almendras. Ito ang pang-apat na pinakamalaking munisipalidad sa rehiyon ng Apulia (matapos ng Bari, Taranto, at Foggia) at ang pinakamalaking munisipalidad ng Lalawigan ng Barletta-Andria-Trani.[4] Kilala ito sa ika-13 siglong Castel del Monte.
Matatagpuan ang lungsod sa pook ng Murgia at matatagpuan sa layo na 10 kilometro (6.21 mi) mula sa Barletta at sa baybaying Adriatico. Ang munisipalidad nito, ang ika-16 na pinakamalawak sa Italya,[5] ay may mga hangganan sa Barletta, Canosa di Puglia, Corato, Minervino Murge, Ruvo di Puglia, Spinazzola, at Trani.
Ang mga unang bakas ng mga pamayanan sa teritoryo ng Andria ay nagmula sa panahong Neolitiko, sa katunayan ilang mga bagay ang natagpuan, maliliit na obsidianang kutsilyo at mga armas na litiko.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.