Amihan

Sa Pilipinas, ang amihan ay tumutukoy sa panahong pinangingibabawan ng mga umiiral na hangin o trade wind, na nararanasan sa bansa bilang malamig na hanging hil

Sa Pilipinas, ang amihan ay tumutukoy sa panahong pinangingibabawan ng mga umiiral na hangin o trade wind, na nararanasan sa bansa bilang malamig na hanging hilagang-silangan monsoon o balaklaot.[1] Nagmumula ang malamig at tuyong hangin mula sa Siberya at Tsina na umiihip tungo sa Timog-silangang Asya.[2] May mga hudyat sa pagdating ng amihan kabilang ang mataas na presyon ng lugar.[3]

Ito ay nailalarawan ng katamtamang temperatura, kakaunti o walang pag-ulan sa gitnang at kanlurang bahagi ng Luzon at Kabisayaan, at nangingibabaw na hanging nagmumula sa silangan. Sa silangang baybayin ng Luzon, nagdudulot ito ng ambon at pabugso-bugsong pag-ulan. Mas mahina ang epekto nito sa Mindanao kumpara sa mga hilagang bahagi ng bansa.

Bilang pangkalahatang tuntunin, ang padron ng panahon ng amihan sa Pilipinas ay nagsisimula sa kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Oktubre o Nobyembre at nagtatapos sa Marso o kalagitnaan ng Abril. Gayunman, maaaring magbago nang malaki ang panahon ng pagsisimula at pagtatapos nito sa bawat taon.[4]

Sa natitirang bahagi ng taon, nararanasan ng Pilipinas ang hanging kanluran o timog-kanluran na balaklaot,[1] na tinatawag na habagat. Karaniwang nagsisimula ito sa kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Mayo o Hunyo at nagtatapos sa Oktubre. Ang panahon ng habagat ay nailalarawan ng mainit at maalinsangang panahon, madalas na malalakas na pag-ulan, at nangingibabaw na hanging nagmumula sa kanlurang bahagi.

Ang pangunahing palatandaan ng pagbabago sa pagitan ng mga panahong amihan at habagat ay ang pagbabago ng direksiyon ng hangin. Sa karamihan ng mga taon, biglaan ang pagbabagong ito at maaaring mangyari sa loob lamang ng magdamag. Sa ilang taon naman, may panahong humigit-kumulang isa hanggang dalawang linggo kung kailan nagpapalit-palit ang direksiyon ng hangin sa pagitan ng padron ng amihan at habagat nang ilang ulit bago tuluyang magtakda ang bagong padron ng panahon.

Naiiugnay ang malamig na panahon tuwing may amihan sa panahon ng Kapaskuhan.[5]

Si Amihan ay ang personipikasyon ng Hilagang-Silangang Hangin sa mitolohiyang Pilipino. Sa isang salaysay, umibig si Habagat kay Amihan at nakipagpaligsahan sa iba pang mga diyos ng hangin, kabilang ang kaniyang pinakamabangis na karibal na si Buhawi, sa isang paligsahan ng bilis at lakas. Matapos magwagi, dinala niya si Amihan sa Himpapawiran, kung saan silang dalawa ay magkasamang naghari.[6][7][8][9][10]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 English, Fr. Leo James (2004). Tagalog-English Dictionary. Manila: Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 971-08-4357-5.
  2. Cotejo, Honey I. (2023-10-21). "Amihan season underway". SunStar Publishing Inc. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-06-24.
  3. Flores, Helen (Oktubre 22, 2018). "PAGASA: Cool amihan winds coming". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-06-24.
  4. "Philippines : Weather" (sa wikang Ingles). Lonely Planet. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-10. Nakuha noong 2013-06-28.
  5. Roxas, Pathricia Ann V. (2017-10-30). "Pagasa: 'Amihan' is here". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-06-24.
  6. Ajdukovic, Aleksandrija (2015). "Death: From taboo to popular culture". Kultura (sa wikang Ingles) (146): 264–274. doi:10.5937/kultura1546264a. ISSN 0023-5164.
  7. The Ang Ink Artists Collective (2024). Amazing Beasts of Philippine Mythology: When You Have to Say: Excuse Me, Mister Monster Sir! (Bilingual English and Filipino Texts) (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) labas). La Vergne: Tuttle Publishing. ISBN 978-0-8048-5667-6.
  8. Ellen (2020-11-30). "Surprise tropical gift: Amihan in the Visayas". Earth Vagabonds (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-15.
  9. "Habagat, the Angry God". WordWeaver (sa wikang Ingles). 2013-08-20. Nakuha noong 2025-03-15.
  10. Paule-Diaz, Edna. "Gardo and the challenge of being bad". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-15.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.