Ang alay, pinagmulan ng salitang pag-aalay at pariralang ang iniaalay, ay isang bagay – sa larangan ng pananampalataya – na ibinibigay
Ang alay, pinagmulan ng salitang pag-aalay at pariralang ang iniaalay, ay isang bagay – sa larangan ng pananampalataya – na ibinibigay sa Diyos upang sambahin siya.[1] Katumbas ito ng handog, kontribusyon, abuloy, operta, oprenda, sakripisyo, regalo, kaloob, at bigay.[2]
Partikular na tumukoy ang sakripisyo, o bagay na isinakripisyo, sa isang handog o alay na ibinigay sa Diyos maalis ang bahid ng kasalanan ng isang tao. Sa kabuoan ng Lumang Tipan ng Bibliya, nagdadala at nagbibigay ng mga sakripisyo sa Diyos ang mga tao. Sa Bagong Tipan, si Hesus ang naging "pinakadakilang sakripisyo" noong ibinigay nito ang sarili niyang buhay upang pagbayaran o tubusin ang mga kasalanan ng mga tao. Sa kasalukuyang pagtuturo, ibinibigay ng mga "tao ng Diyos" ang kanilang mga sarili upang magsilbing "nabubuhay na mga sakripisyo" sa pamamagitan ng paglilingkod at pagbibigay ng papuri sa Diyos.[1]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.