Agar

Ang agar o agar-agar ay isang mala-halayang (jelly-like) sangkap, na nanggaling sa algae. Nadiskubre ito sa gitna ng taong 1650 at 1660 ni Mino Tarōzaemon sa b…

Agar
mhi peopleizuyoukan
Gamit sa pagluluto: Mizu yōkan - isang sikat na gulaman sa bansang Hapon na gawa mula sa agar.
blood agar plate
Gamit sa agham: Isang agar na dugo sa plato na ginagamit upang ikultura anga bakterya at pag-aralan ang impeksyon.

Ang agar o agar-agar ay isang mala-halayang (jelly-like) sangkap, na nanggaling sa algae. Nadiskubre ito sa gitna ng taong 1650 at 1660 ni Mino Tarōzaemon sa bansang Hapon, kung saan ang tawag dito ay kanten.

Ang agar ay hango sa polysaccharide agarose na bumubuo ng kayarian na sumusuporta sa selula ng mga piling klaseng algae, na siyang pinapakawala pagkulo. Itong mga algae ay kilala bilang agarophytes at nasa paylum na Rhodophyta (pulang algae). Ang agar ay resulta sa paghahalo ng dalawang sangkap: ang linear polysaccharide agarose, at ang magkakaibang halo ng mga maliliit na molekula na tinawag na agaropectin.

Sa buong kasaysayan hanggang sa makabagong panahon, ang agar ay ginagamit bilang isang pangunahing sangkap ng minatamis sa Asya at bilang isang solidong suson na maglalaman ng culture media para sa gawaing mikrobiyolohiya. Ang agar (agar-agar) ay pwedeng gamitin bilang isang pampurga, pampawala ng ganang kumain, isang kapalit na gulaman para sa hindi kumakain ng karne, pampalapot ng sopas, bilang prerbang prutas, sorbetes, at iba pang minatamis, isang sangkap sa paggawa ng serbesa, at sa pagsusukat ng papel at tela.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.