1929

1929
Dantaon: ika-19 na dantaon - ika-20 dantaon - ika-21 dantaon
Dekada: Dekada 1890  Dekada 1900  Dekada 1910  - Dekada 1920 -  Dekada 1930  Dekada 1940  Dekada 1950

Taon: 1926 1927 1928 - 1929 - 1930 1931 1932

Ang 1929 (MCMXXIX) ay isang karaniwang taon na nagsimula noong Martes sa kalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-1929 na taon ng Karaniwang Panahon (Common Era o CE) at Anno Domini (AD), ika-929 na taon ng ika-2 milenyo, ika-29 na taon ng ika-20 dantaon, at ika-10 at huling taon ng dekada 1920.

Minarkahan ng taong ito ang pagtatapos ng panahong kilala sa kasaysayan ng Estados Unidos bilang Roaring Twenties (Umuugong na Bente), matapos na ang Pagbagsak ng Kalyeng Wall noong 1929 ay nagpasimula ng pandaigdigang Malawakang Depresyon. Sa mga Amerika, isang kasunduan ang naisakatuparan upang wakasan ang Digmaang Cristero, isang Katolikong kontra-rebolusyon sa Mehiko. Nagpasya ang Komiteng Hudisyal ng Konsehong Lihim, isang mataas na hukuman ng Britanya, na ang mga kababaihan sa Canada ay mga tao sa ilalim ng batas sa kasong Edwards laban sa Canada (Pangkalahatang Abogado ng Estado). Idinaos sa Los Angeles ang unang Gawad Academy para sa pelikula, habang binuksan naman sa Lungsod ng New York ang Museo ng Makabagong Sining). Itinatag din ang Hukbong Himpapawid ng Peru.

Sa Asya, nasangkot ang Republika ng Tsina at ang Unyong Sobyet sa isang maliit na tunggalian matapos mapasakamay ng Tsina ang ganap na kontrol sa Daambakalang Silangang Tsino ng Manchuria, na nauwi sa muling pagbabalik ng magkasamang pamamahala rito. Sa Unyong Sobyet, pinalayas ni Pangkalahatang Kalihim Joseph Stalin si Leon Trotsky at ipinatupad ang patakaran ng kolektibisasyon. Nagsimula ring bumiyahe ang Grand Trunk Express sa Indiya. Sa Gitnang Silangan, naganap ang mga kaguluhan sa pagitan ng mga Muslim at Hudyo sa Jerusalem hinggil sa pagpasok sa Kanlurang Pader. Ipinagdiwang naman ang ika-100 anibersaryo ng Kanluraqng Australya. Nagpatuloy hanggang Oktubre ang Digmaang Sibil sa Apganistan, na nagsimula noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nagkabisa ang Kasunduang Kellogg–Briand, isang tratado na tumatalikod sa paggamit ng digmaan bilang kasangkapan ng pambansang patakaran. Sa Europa, nilagdaan ng Banal na Luklukan at ng Kaharian ng Italya ang Tratadong Laterano. Ipinasa sa Gresya ang batas na Idionymon upang ipagbawal ang pampolitikang pagsalungat. Nagdaos ang Espanya ng Ibero-Amerikanong Eksposisyon, na nagtampok ng mga pabilyon mula sa mga bansang Latino-Amerikano. Samantala, nalibot ng himpapawid na sasakyang Aleman na LZ 127 Graf Zeppelin ang mundo sa loob ng 21 araw.

Kaganapan

Papa Pio XI
  • Enero 17 – Unang lumitaw ang bayani ng komiks na si Popeye sa komiks istrip na Thimble Theatre.[1]
  • Pebrero 11 – Nilagdaan ng Kaharian ng Italya at ng Banal na Luklukan ang Tratadong Laterano upang itatag ang Lungsod Batikano bilang isang malayang nakapagsasariling enklabe sa loob ng Roma, na lumutas sa tinatawag na "Usaping Romano".[2]
  • Marso 4
    • Itinatag sa Mehiko ng dating pangulong si Plutarco Elías Calles ang Partido Nacional Revolucionario. Sa ilalim ng magkakasunod na pagbabago ng pangalan, patuloy nitong hahawakan ang kapangyarihan sa bansa sa loob ng susunod na 71 taon.[3]
    • Nanungkulan si Charles Curtis bilang unang multirasiyal na pangalawang pangulo ng Estados Unidos.
  • Abril 14 – Idinaos ang unang edisyon ng Monaco Grand Prix.[4]
  • Mayo 16 – Idinaos ang unang Gawad Academy sa isang 15 minutong seremonya sa Hollywood Otel Roosevelt, bilang pagkilala sa pinakamahusay na mga pelikula ng 1927 at 1928. Nagwagi bilang Pinakamahusay na Pelikula (Best Picture) ang Wings. Natanggap naman ni Gerald Duffy (na namatay noong 1928) ang nag-iisang Gawad Academy para Pinakamahusay na Pagsulat ng Titulo (Academy Award for Best Title Writing) na ipinagkaloob kailanman, para sa kanyang mga intertitulo sa tahimik na pelikulang The Private Life of Helen of Troy.
  • Hunyo 3 – Nilutas ng Tratado ng Lima ang alitang panghangganan sa pagitan ng Peru at Tsile.
  • Hunyo 7 – Pinagtibay ang Tratadong Laterano, na nagtatatag sa Lungsod Batikano bilang isang nakapagsasariling estado.
  • Hulyo 25 – Lumabas si Papa Pio XI mula sa Palasyong Apostoliko at nagtungo sa Liwasang San Pedro sa isang napakalaking prusisyon na nasaksihan ng humigit-kumulang 250,000 katao. Sa pamamagitan nito, natapos ang halos 60 taong kusang pag-iwas ng kapapahan sa paglabas sa Batikano bilang mga "Bilanggo sa Batikano".
  • Agosto 20 – Unang naipalabas ni John Logie Baird ang kanyang eksperimental na sistemang pantelebisyon na may 30 linya sa pamamagitan ng British Broadcasting Corporation sa Londres.[5]
  • Setyembre 7 – Lumubog ang bapor na SS Kuru sa Lawa Näsijärvi malapit sa Tampere, Pinlandiya na nagresulta sa pagkamatay sa pagkalunod ng 138 katao.[6]
  • Oktubre 2429 – Naganap ang Pagbagsak ng Kalyeng Wall ng 1929: tatlong malalaking pagbagsak na may malalaking porsyentong pagbaba ang nagwaksi ng mahigit $30 bilyon mula sa Pamilihang Sapi ng New York (na humigit-kumulang sampung ulit na mas malaki kaysa taunang badyet ng pederal na pamahalaan).[7]
  • Nobyembre 18 – Naganap ang lindo ng Gran Bangko ng 1929.[8]
  • Disyembre – Ang tindero ng laruan sa Lungsod ng New York na si Edwin S. Lowe ay nagpasikat ng larong Bingo matapos niyang matuklasan ang larong “Beano” sa Atlanta, Estados Unidos. Matapos aksidenteng sumigaw ang isang tao ng “bingo” imbes na “beano” sa isang pagtitipon ng mga kaibigan sa Brooklyn, sinimulan niya ang paggawa ng laro. Kalaunan, nakabuo siya ng mahigit 6,000 kombinasyon ng mga card sa ilalim ng kumpanyang E. S. Lowe Company, at sa paglipas ng panahon ay naging pambansang libangan ang kasikatan nito.[9]

Kapanganakan

Eddie Garcia
Ildefonso P. Santos Jr.
Imelda Marcos
Lucrecia Reyes-Urtula

Kamatayan

Fernando Maria Guerrero

Mga sanggunian

  1. "Popeye the Sailor". Don Markstein's Toonopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2011-09-22.
  2. "The Settlement of the Roman Question". Bulletin of International News (sa wikang Ingles). 5 (17): 3–10. 1929. ISSN 2044-3986. JSTOR 25638588.
  3. Secretariat for Migration Affairs (Marso 4, 2014). "4 DE MARZO DE 1929. FUNDACIÓN DEL PARTIDO NACIONAL REVOLUCIONARIO". migrantes.pri.org (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 24, 2020. Nakuha noong Marso 28, 2020.
  4. "History of the Formula 1 Monaco Grand Prix - Monaco Monte-Carlo". Monte-Carlo.mc (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-09-16.
  5. The Hutchinson Factfinder (sa wikang Ingles). Helicon. 1999. ISBN 1-85986-000-1.
  6. Erkki Laitinen: Kurun historia 1919–1985. Vanhan Ruoveden historia III: 52, p. 272. Kurun kunta, 1992. (sa Pinlandes)
  7. KIMBERLY AMADEO (Marso 17, 2020). "Stock Market Crash of 1929 Facts, Causes, and Impact". The Balance (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 28, 2020.[patay na link]
  8. Ruffman, Alan (1997), The 1929 Tsunami In St. Lawrence, Newfoundland (PDF) (sa wikang Ingles), Ottawa: Office of Critical Infrastructure Protection and Emergency Preparedness, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Enero 13, 2013, nakuha noong 2013-02-26
  9. "Edwin S. Lowe, 75; Toy Manufacturer Popularized Bingo". The New York Times (sa wikang Ingles). Pebrero 25, 1986. Nakuha noong Disyembre 1, 2019.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.